TNVS Guide 101

Ang pinaka-comperehensive na step-by-step guide sa pagkuha ng CPC.

Bago tayo magsimula, ano ang CPC at sino ang dapat na mag-apply? driver ba? vehicle owner ba? Ayon sa LTFRB, lahat ng sasakyan na bumibiyahe sa Grab ay kailangang kumuha ng CPC (Certificate of Public Convenience) o prangkisa. Ang TNVS APPLICANT ay ang VEHICLE OWNER (whose name appears in the ORCR of the vehicle). Ibig sabihin nito, lahat ng detalye at requirements sa ibaba ay dapat nakapangalan sa vehicle owner.

GRAB TNVS 101

Para magsimula, piliin kung saang location mo nais mapabilang sa GrabCar:

Metro Manila

Para sa GrabCar applicants sa loob ng Metro Manila

Outside Metro Manila

Para sa mga GrabCar applicants sa labas ng Metro Manila

TNVS Accreditation
Metro Manila Process

Updated as of 09 January 2023. May be subject to change based on LTFRB instructions.

STEP 1. Kumuha ng Appointment Date para sa application ng Provisional Authority (PA)

Select a date with an available slot.

STEP 2. Go to your appointment date and submit requirements to Grab

Paps! Bago pumunta sa inyong appointment date sa Grab Partner Center, siguraduhing kumpleto at lehitimo ang inyong mga requirements.

Grab TNVS Assistance Hub

Grab Driver Center – Mandaluyong
Greenfield District Pavilion, Sto. Cristo, Greenfield District, Mandaluyong, 1552 Metro Manila
Time: 8:00AM-5:00PM (Monday, Tuesday, Thursday, and Friday)

Lahat ng requirements at Application Form ay kailangan ilagay sa LONG ORANGE FOLDER: